2 anak ng barangay captain patay sa drug ops sa South Cotabato

By Justinne Punsalang September 30, 2018 - 03:38 PM

Inquirer file photo

Nasawi ang dalawang anak ng barangay captain matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa kanilang isinagawang drug raid sa Barangay Ambalgan sa Sto. Niño, South Cotabato.

Kinilala ang magkapatid na sina Dennis Mark at Junjie Cabantud na anak ng dating vice mayor ng nasabing bayan at kasalukuyang nanunungkulan bilang barangay kapitan ng Barangay Ambalgan na si Rosalinda Cabantud. Nabatid na dati nang nasangkot sa iligal na droga ang dalawa ngunit sumuko na ito sa mga pulis.

Narekober mula sa dalawa ang dalawang kalibre 45 baril at tig-12 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Iginiit ng mga kamag-anak ng dalawa na hindi nanlaban sa mga pulis ang mga ito.

Kwento pa ng kanilang mga kapitbahay, wala sa sinalakay na bahay ang magkapatid. Kaya naman ipinagtataka nila kung paano nasabi ng mga otoridad na nanlaban ang mga ito kaya nabaril.

Nagawa pang isugod sa ospital ang dalawa, ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Nang malaman ang tungkol sa insidente ay isinugod din sa ospital si Rosalinda.

Samantala, isa pang target ng naturang operasyon ang nasawi matapos ding manlaban umano sa mga pulis.

Kinilala ang nasawi na si Ronnie Magon na napag-alamang dati na ding sumuko sa Oplan Tokhang.

Narekober mula kay Magon ang isang revolver at pitong sachet ng shabu.

Ayon sa kaniyang kaanak, hindi marunong humawak ng baril si Magon kaya naman imposibleng nauna itong nagpaputok sa mga pulis.

Ayon kay Sto. Niño Municipal Police chief, Senior Inspector Juncit Aput, nakatakda sanang sumailalim ang tatlong mga napatay sa community-based rehabilitation program ng barangay.

Ayon naman sa tagapagsalita ng SOCCSKSARGEN Police na si Superintendent Aldrin Gonzales, kabilang ang magkapatid na Cabantud sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: anti-drugs operation, Dennis Mark, Junjie Cabantud, Soccsksargen, anti-drugs operation, Dennis Mark, Junjie Cabantud, Soccsksargen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.