1,599 kilometrong road projects sa ARMM, nakumpleto na

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 08:16 AM

Ipinagmalaki ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman na nakumpleto ng ARMM government ang nasa 1,599 kilometro ng road projects sa loob ng anim na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Hataman na dahil sa nasabing mga kalsada ay naramdaman ng mga mamamayan ang presensya ng gobyerno.

Sa pamamagitan anya nito ay nakonekta ang limang lalawigan ng rehiyon.

Karamihan umano sa mga road projects na nakumpleto ay nasa mga lugar na may problema sa seguridad.

Dahil dito, magkakaroon na ng access ang mga mamamayan sa transportasyon; kalusugan; trade and industry; agrikultura at pangingisda; at turismo o lahat ng aspeto na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Iginiit ni Hataman na ang programang pang-imprastraktura ng ARMM ay layong itaguyod ang kapayapaan at pag-unlad sa lugar.

Isinisisi sa gulo na pinamumunuan ng mga grupong Moro ang mabagal na pag-unlad sa ARMM.

Samantala, nasa 509 kilometro na lamang ng kalsada o nasa 22 percent ng target ang kasalukuyan pang binubuo habang nasa 183 kilometro o 8 percent ang sisimulan pa lamang ayon kay Hataman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.