6/58 lotto jackpot inaasahang papalo sa P800M ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 08:06 AM

Inaasahang papalo sa bagong record high na P800 milyon ang grand prize sa 6/58 Ultra Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang inihayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan matapos walang makakuha sa jackpot sa draw noong Biyernes.

Ang nakaraang draw ay may jackpot na higit P774 milyon na mas mataas sa P741.2 milyong nasungkit ng isang balik-bayan sa Grand Lotto 6/55 noong 2010.

Bagaman walang nakakuha sa winning combination noong Biyernes na 46-25-55-26-50-57 ay mayroong 41 mananaya ang nakakuha ng limang digits nito.

Dahil dito, ay nanalo sila ng consolation prize na umabot sa P243,850.

Mula noong Pebrero ay wala pang nananalo sa 6/58 jackpot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.