Retrieval operations sa landslide sa Naga, Cebu inaasahang matatapos ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 05:22 AM

Cebu Provincial Government

Inaasahang ngayong araw ng Linggo ay matatapos na ang isinasagawang search and retrieval operations sa malagim na landslide sa Naga City, Cebu.

Ayon kay Emergency Operations Center (EOC) spokesperson Garry Cabotaje, ganap na alas-2 kahapon ay 11 katao na lang ang nawawala.

Posible pa anyang bumaba sa 11 ang bilang ng nawawala sakaling malaman kung kanino ang nakitang siyam na parte na katawan ng tao.

Anya, kung ang mga bahagi ng katawan na ito ay mula sa siyam na tao ay tatapusin na ang operasyon.

Iginiit naman ni Cabotaje na hindi pa pwedeng isama sa bilang ng nasawi ang mga putol-putol na bahagi ng katawan hangga’t hindi pa natutukoy ang mga ito ng National Bureau of Investigation Central Visayas sa kanilang isinasagawang disaster victim identification (DVI).

Sa ngayon ay nasa 72 ang bilang ng nasawi sa malagim na trahedya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.