Bigtime oil price hike nakaamba sa darating na linggo

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 12:01 AM

Malaki ang magiging pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Oktubre 2.

Ito na ang ikawalong sunod na linggong pagtaas sa presyo ng oil products.

Ayon sa industry sources, aabot sa P1.30 hanggang P1.40 kada litro ang imamahal ng presyo ng diesel.

Ang gasolina at kerosene o gaas naman ay posibleng magtaas ng P0.90 hanggang P1.10 sa kada litro.

Dahil sa halos inaasahang pisong dagdag na ito sa presyo ng petrolyo, aabot na sa P4 kada litro ang magiging pagtataas sa walong sunud-sunod na linggo.

Samantala, inaasahang magiging pasakit din sa consumers ang malaking dagdag sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG).

Inaasahan kasing papalo sa P2 hanggang P2.50 kada kilo ang itataas nito simula sa Oktubre 1.

Ang naturang dagdag ay katumbas ng P22 hanggang P27.50 sa kada kilo na tangke ng LPG.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.