Kawalan ng hustisya sa mga media killing binatikos

By Jay Dones November 03, 2015 - 04:15 AM

 

Inquirer file photo

Isa ang Pilipinas sa apat na bansa na sentro ng pagtutok ng global campaign para sa freedom of expression kasabay ng pagsisimula ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists kahapon, November 2.

Noong 2013, idineklara ng United Nations ang November 2 hanggang November 25 bilang paggunita sa mga mamamahayag na pinatay resulta ng pagganap sa tungkulin.

Ang November 2 ang petsa ng pagkamatay ng mga mamamahayag na sina Ghislaine Dupont at Claude Verlon ng Radio France Internationale o RFI habang nagko-cover sa bansang Mali noong taong iyon.

November 25 nagtatapos ang okasyon bilang pagbibigay-pugay sa pagpatay sa 32 mamamahayag sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao na ngayo’y kilala bilang Maguindanao Massacre.

Kahapon, November 2, isa na namang mamamahayag na si Jose Bernardo ang napatay sa lungsod Quezon City.

Ayon sa International Federation of Journalists o IFJ na nakabase sa Brussels Belgium, layon ng kanilang kampanya na papanagutin ang mga gobyerno ng apat na bansa sa kawalan ng hustisya sa mga napapatay na journalists.

Kasama sa kanilang tinututukan ang Pilipinas, Mexico, Ukraine at Yemen na may mataas na bilang ng mga napapatay na journo.

Batay sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP, sa kasalukuyan, nasa 169 na ang pinatay na mamamahayag sa PIlipinas simula nangmmatapos ang Martial Law noong 1986.

Para sa taong 2015, nasa lima na ang napatay bukod pa kay Bernardo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.