Tsunami rumagasa sa Palu, Indonesia matapos ang malakas na lindol
Isang malakas na tsunami bunsod ng magnitude 7.5 na lindol ang tumama sa Palu sa Sulawesi Island, Indonesia, bandang hapon sa Pilipinas.
Sa isang video na nag-viral sa social media, makikita na nagpapanic ang mga tao sa paparating na tsunami na kanilang tanaw mula sa isang establisyimento.
Nauwi ito sa sigawan at takbuhan nang tumama na mismo sa kalupaan ang mataas na alon.
Tinatayang may taas na dalawang metro ang tsunami na tumama sa Palu.
Ito ay sa kabila ng pag-alis ng awtoridad sa tsunami warning isang oras bago ito rumagasa.
Ayon sa pinuno ng BMKG, meteorology and geophysics agency ng Indonesia na si Dwikorita Karnawati, humupa na ang tsunami.
May mga building anya na gumuho dahil sa tsunami at may barko rin na inanod.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy ang bilang ng mga nasawi bunsod ng lindol at tsunami.
I just opened my watsap grup and This Tsunami seen on Palu, Sulawesi. They recorded this in the top floor of the mall. Our friend’s family confirmed this.. #PrayForDonggala Celebes Sulawesi Indonesia 🙏 pic.twitter.com/vlTmDjCp3h
— WID (@wjjeje) September 28, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.