Mga porter ng NAIA, apektado na rin ng tanim bala scam

By Jay Dones November 03, 2015 - 12:07 AM

 

Inquirer file photo

Dahil sa matinding kontrobersiyang bumabalot ngayon sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa alegasyon ng tanim bala, nawawalan na rin ng kita ang mga porter ng paliparan.

Ito’y dahil mistula silang may sakit na iniiwasan na ng mga pasahero ng mga eroplano sa pangambang sangkot sila sa naturang anomalya.

Ayon sa isa sa mga porter na nagsisilbi sa NAIA ng 17 taon, sila ang direktang naapektuhan sa naturang mga alegasyon dahil ayaw na ng mga pasahero na kunin ang kanilang serbisyo.

Dahil sa tumatanggi na ang mga pasahero na kunin ang kanilang tulong, lumiit na rin ang kanilang kita.

Hling ng mga ito, agad na maresolba ang tanim bala controversy upang bumalik na rin ang tiwala ng mga pasahero sa mga kawani ng NAIA>

Nasa mahigit 200 ang porter ngayon sa apat na terminal ng NAIA.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.