Mabuhay lane, isa nang traffic discipline zone

By Den Macaranas November 02, 2015 - 09:06 PM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Aaraw-arawin na ng mga tauhan ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aalis ng road obstructions sa “Mabuhay lane” bilang alternatibong lansangan para sa mga morotista.

Sa kanilang ginawang operasyon sa maghapong ito, sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na karamihan sa nakita nilang mga nakaharang sa lansangan ay matatagpuan sa Mandaluyong, San Juan at Sampaloc area sa lungsod ng Maynila.

Kinabibilangan ang mga ito ng mga illegally-parked vehicles, illegal vendors at mga establishemento na sumakop na sa mga lansangan.

Umabot naman ng halos ay isang-daang mga sasakyan na nakaraparada sa mga kalsada ang binatak ng mga towing trucks ng PNP at MMDA.

Nauna nang ipinag-utos mismo ni Pangulong Noynoy Aquino na ayusin ang Mabuhay lane para magamit ng mga motorist na araw-araw ay biktima ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

Ang Mabuhay lane ay pwedeng daanan ng mga taong papunta ng Makati City mula sa Quezon City at vice-versa.

Para sa mga motorista sundan lang ang sumusunod na ruta.

Quezon City-Makati : Mula EDSA, kanan sa West Avenue, kanan sa Quezon Avenue, U-turn malapit sa Magbanua, kanan saTimog, kumanan ulit sa Tomas Morato, kanan sa E. Rodriguez, kaliwa sa Gilmore, diretso sa Granadast. Sa  San Juan, kanan sa N. Domingo, kaliwa sa Pinaglabanan, kanan sa P. Guevarra, kaliwa sa L. Mencias, kanan sa Shaw Boulevard, kaliwa sa Acacia Lane,kanan sa F. Ortigas, kaliwa sa P. Cruz, kaliwa sa P. Blumentritt, kaliwa sa Coronado at dumiretso sa Makati-Mandaluyong Bridge.

Sinabi naman ni PNP-HPG Director CSupt. Arnold Gunnacao na patuloy silang maghihigpit sa mga traffic regulations sa kahabaan ng EDSA dahil sa inaasahan pang pagsisikip ng trapiko habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan.

TAGS: Aquino, HPG, Mabuhay lane, mmda, Aquino, HPG, Mabuhay lane, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.