Taxi na may taxi app at calibrated lang ang entitled sa bagong fare structure – LTFRB
Hindi uubrang maningil ng bagong pasahe ang mga taxi driver gamit ang bagong fare structure, kung walang taxi app at hindi pa sumailalim sa recalibration ang kanilang unit.
Ito ang paglilinaw ni Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, hinggil sa “new fare structure” para sa mga taxi.
Ang bagong fare structure ay may tatlong components: una ay ang P40.00 ang flagdown rate; pangalawa ay ang karagdagang P13.50 kada kilometrong biyahe at pangatlo, ang P2.00 na per minute charge.
Kung may taxi app at naka-calibrate na ang unit, sinabi ni Lizada na “entitled” na ng driver para sa bagong fare structure.
Ang taxi app, ani Lizada, ay kailangan para makapag-book ang mga pasahero gamit ang kanilang mobile units o cellphones.
Layon nito na mabawasan ang mga “choosy” na taxi drivers o yung mga namimili ng mga pasahero, lalo na kapag malayo ang destinasyin ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.