Bagyong Paeng napanatili ang lakas; lalabas na ng bansa bukas
Napanatili ng Typhoon Paeng ang lakas nito at nakatakda nang lumabas ng bansa bukas ng umaga.
Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 655 kilometers east northeast ng Basco Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa direksyong northwest.
Wala pa ring direktang epekto ang bagyo saanmang panig ng bansa.
Patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang
Low Pressure Area sa labas ng bansa na magiging isang ganap na bagyo.
Sa Martes posibleng pumasok ng bansa ang LPA at papangalanang Queenie kapag naging bagyo habang nasa loob ng PAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.