Pangulong Duterte hindi seryoso nang sabihing EJK ang kaniyang tanging kasalanan – Roque

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 10:28 AM

Hindi umano seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niyang ang tanging kasalanan niya ay Extra Judicial Killings.

Ito ang depensa Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos ang mistulang direktang pag-amin ng pangulo na siya ay nakagawa ng kasalanan dahil sa EJK.

Sa isang panayam, sinabi ni Roque na hindi seryoso ang pangulo at hindi literal ang konteksto ng naging pahayag nito.

Binibigyang-diin lang aniya ng pangulo na hindi siya corrupt at wala siyang ninanakaw sa gobyerno.

Dagdag pa ni Roque hindi magagamit laban sa pangulo ang nasabing pahayag dahil hindi naman under oath o hindi sinumpaang salaysay ang naging pag-amin nito.

TAGS: ejk, extra judicial killings, Harry Roque, Radyo Inquirer, ejk, extra judicial killings, Harry Roque, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.