Mga hukom ng Makati Court, nagcourtesy call kay CJ De Castro

By Rhommel Balasbas September 28, 2018 - 04:29 AM

Nagcourtesy call kay Chief Justice Teresita Leonardo De Castro kahapon ang ilang mga hukom ng Makati Court kabilang na ang dalawang judge na may hawak sa kasong isinampa laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Naganap ang courtesy call hapon ng Huwebes dahilan para suspendihin ang mga nakatakdang pagdinig ng mga hukom.

Kabilang sa mga sumama si Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano na hindi pa naglalabas ng ruling sa kaso laban kay Trillanes na may kinalaman sa kudeta.

Nasa promulgation stage ang korte tungkol sa kaso.

Kasama rin si Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda sa mga nagcourtesy call kay De Castro.

Matatandaang si Alameda ang hukom na naglabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes sa kaso namang may kaugnayan sa rebelyon noong 2007 Manila Peninsula siege.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.