Bagyong Paeng napanatili ang lakas at mabagal pa rin ang pagkilos

By Rhommel Balasbas September 28, 2018 - 12:23 AM

Patuloy na mabagal ang pagkilos ng Bagyong Paeng sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 710 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.

Ayon sa weather bureau, posibleng bukas, araw ng Sabado pa ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Patuloy na walang itinataas na storm warning signals ang PAGASA sa anumang bahagi ng bansa.

Samantala, nananatiling mapanganib ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboards ng Visayas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.