Nakararaming Pinoy mas gustong mag-shopping online kapag Christmas season

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2018 - 11:20 AM

Inquirer Photo | Miguel Camus

Mas maraming Pinoy ang namimili na lang online kaysa ang magtungo sa mga mall lalo na kapag Christmas season.

Ito ang lumitaw sa isinagawang pag-aaral ng Facebook na mayroong titulong 2018 Facebook Holiday Study.

Sa nasabing pag-aaral nagsagawa ng survey sa nasa 1,500 na respondents na edad 18 pataas.

Sa survey lumitaw na isa sa bawat anim na Pinoy ay maituturing na “mobile first” shoppers.

Ayon kay John Rubio, Facebook Philippines country director, mas madali kasi ang bumili na lang n gmga kailangan online.

Sa nasabing ring pag-aaral lumitaw na 3 sa bawat 5 Pinoy ang nagsabi na ang mobile devices ay nakapagpapadali sa kanilang pagsa-shopping.

Mas convenient anila ito kaysa magtungo pa sa mga bilihan.

Kabilang sa dahilan ay ang matinding traffic sa mga lansangan lalo na kapag Christmas season.

50% sa mga respodents ang nagsabi na nangsisimula silang mamili ng mga kailangan para sa Pasko pagpasok ng Disyembre.

16% percent naman ang namimili na mula pa lamang buwan ng Oktubre.

TAGS: BUsiness, Christmas Season, facebook, Facebook Holiday Study, BUsiness, Christmas Season, facebook, Facebook Holiday Study

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.