Duterte sa militar: Hindi kailangang magkudeta para patalsikin ako
Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na gustong patalsikin siya sa pwesto na hindi kailangan na sila’y magkudeta.
Sa kanyang talumpati sa seremonya para sa mga bagong biling sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinabi ng pangulo na pwedeng kausapin na lamang siya ng mga sundalo at handa siyang bumaba sa pwesto.
Hindi na umano dapat magsagawa ang militar ng aniya’y “stupid” na kudeta dahil magsasayang lamang ang mga ito ng oras.
Ayon sa presidente, kung sa tingin niya ay tama ang mga sundalo ay papabor siya sa mga ito at bababa siya sa pwesto at uuwi na sa kanila sa Davao City.
Una rito ay hinamon ni Duterte ang mga pulis at sundalo na ikudeta ang gobyerno at sumama sa kanyang kritiko na si Sen. Antonio Trillanes IV kung hindi na nila gusto ang kanyang pamumuno.
Pero katwiran ng Malakanyang, ang pahayag ng presidente ay pagpapakita lamang umano na kampante ito na walang suporta na manggagling sa militar para patalsikin siya sa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.