Bagyong Paeng patuloy na humihina

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2018 - 11:18 AM

Patuloy sa paghina ang Typhoon Paeng habang ito ay mabagal na kumikilos ng pa-Hilaga.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 735 kilometers East ng Basco Batanes. 10 kilometro lang ang nabago sa pwesto ng bagyo kumpara sa lokasyon nito kaninang alas 3:00 ng madaling araw.

Ito ay dahil sa napakabagal na kilos ng bagyo sa direksyong pa-Hilaga.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers bawat oras.

Sa Biyernes ayon sa PAGASA ay maaring magdulot ang bagyong Paeng ng hanggang katamtamang lakas ng ulan sa Northern luzon.

Sa Sabado naman inaasahang lalabas na ito ng bansa.

TAGS: Paeng, Pagasa, Trami, Typhoon, weather, Paeng, Pagasa, Trami, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.