Pitong tauhan ng MRT ang nasugatan sa nagsalpukang maintenance vehicles
Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang naganap na salpukan ng dalawa nilang maintenance vehicles na unimogs.
Ang salpukan ng unimogs ay naganap sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations na naging dahilan ng pagkakaantala ng biyahe ng MRT-3 kaninang umaga.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, pitong tauhan nila na pawang lalaki ang ginagamot ngayon sa ospital dahil sa naturang aksidente.
Hindi pa binanggit ng MRT-3 kung ano ang kondisyon ng anim.
Nangyari ang insidente pasado alas 3:00 ng madaling araw kung saan isinasagawa ng dalawang unimogs ang routine inspection bago magsimula ang serbisyo ng mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.