9 sugatan sa makaraang sumalpok ang isang bus sa poste ng MRT

September 26, 2018 - 07:54 AM

Inquirer file photo

Sugatan ang siyam na pasahero makaraang sumalpok sa poste ng MRT ang isang pampasaherong bus sa Mandaluyong City.

Ayon sa driver ng Luzon Bus Corporation na si Rodolfo Espinoso, nasira ang preno ng bus at madulas din ang kalsada dahil basa.

Sa lakas ng pagkakabangga nabasag ang windshield ng bus.

Agad namang dinala sa ospital ang mga nasugatang pasahero na pawang nagtamo lamang ng minor injuries.

Hawak na ng mga pulis ang driver at kunduktor ng bus.

TAGS: accident, bus accident, Mandaluyong, Radyo Inquirer, accident, bus accident, Mandaluyong, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.