Kasong isinampa ng NCRPO vs. Drew Olivar, hindi tinanggap ng DOJ

By Rhommel Balasbas September 26, 2018 - 04:12 AM

Hindi tinanggap ng Department of Justice (DOJ) ang kasong inihain ng mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NRCPO) laban sa pro-Duterte blogger na si Drew Olivar.

Ito ay dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.

Matatandaang nagpost ng bomb scare ang blogger sa Facebook na paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang malisyosong pagpapakalat ng pekeng impormasyon na may kinalaman sa pampasabog o kahalintulad na gamit.

Ayon kay Senior Inspector Myrna Diploma ng NCRPO Public Information Office, kailangan munang makipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa Anti-Cybercrime Unit para makumpleto ang ebidensya.

Hinahanap umano ng DOJ ang IP address ng orihinal na post ni Olivar hindi ang screenshot na iprinesenta ng NCRPO sa ahensya.

Sa panayam naman ng INQUIRER.net kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, muling itatakda ng pulisya ang paghahain ng mga kasong kriminal.

Gayunman ay hindi nito sinabi ang eksaktong petsa kung kailan muling maghahain ng reklamo ang NCRPO.

Matatandaang nangako si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na sasampahan ng kaso si Olivar kahit ito ay nag-public apology na.

Si Olivar ang blogger na makailang beses nang nasadlak sa kontrobersiya dahil sa pepederalismo video at pagkutya sa sign language.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.