Malacañang kay Trillanes: ‘Prepare your legal defense’
Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na isang oportunidad para kay Sen. Antonio Trillanes na patunayan na ‘valid’ ang kanyang amnesty ang utos ng korte na siya ay arestuhin.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, imbes na humarap lagi sa camera, dapat ay magfocus na lamang ang senador sa paghahanda sa kanyang legal defense.
Dapat anyang tingnan ni Trillanes ang pangyayari na ito na isang ‘welcome opportunity’ para makapagsumite ng ebidensyang magpapatunay na ang amnestiyang ipinagkaloob sa kanya ay ‘valid’.
Ani pa Roque, nananaginip ang Senador para sabihing sasapitin din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hinaharap ang kanyang naranasan.
Iginiit ng kalihim na isang abogado ang pangulo at alam nito at sinusunod ang batas.Pansamantalang nakalalaya si Trillanes matapos maglagak ng piyansa para sa kasong rebelyon.
Nauna nang sinabi ni Roque na iginagalang nito ang desisyon ng korte sa paglalabas ng warrant.
Hinimok pa ng Malacañang si Trillanes na ihinto na ang kadramahan at igalang ang proseso ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.