President Trump sa UN: ‘It now feels like home’

By Rhommel Balasbas September 26, 2018 - 03:56 AM

Hindi na tila isang foreign territory para kay US President Donald Trump ang United Nations General Assembly.

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa UN Headquarters, sinabi ng presidente na ngayon ay ‘at home’ na siya sa assembly.

Gayunman, iginiit ni Trump ang kalayaan ng Estados Unidos mula sa UN.

Iba naman ang naging tono ngayon ng presidente tungkol kay North Korean leader Kim Jong Un kumpara sa naging talumpati niya noong nakaraang taon kung saan isinalarawan pa niya itong isang ‘rocket man’.

Anya, posibleng maging maganda ang resulta ng kasalukuyang dayalogo ng Washington at Pyongyang.

Ito ay may kaugnayan sa paghimok ng US sa NoKor na ihinto na ang nuclearization program nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.