M4.3 na lindol, yumanig sa Surigao del Norte
By Rhommel Balasbas September 26, 2018 - 03:26 AM
Niyanig ng isang magnitude 4.3 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-2:09 kaninang madaling araw
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 63 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.
May lalim lamang na tatlong kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.