Malakanyang, hinimok si Trillanes na kusang sumuko
Hinimok ng Malakanyang si Senador Antonio Trillanes IV na kusang sumuko, kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court branch 150.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagsalita na ang ang korte na siyang dapat sundin ni Trillanes.
Gaya rin aniya ng sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Duterte, nirerespeto ng Palasyo ang anumang pasya ng korte ukol sa isyung kinakaharap ni Trillanes.
Dagdag ni Roque, itigil na dapat ni Trillanes ang drama ng presscon kaya kung mayroon man siyang gustong sabihin ay mabuting idiretso na niya ito sa korte.
Nauna nang binawi ni Duterte ang amnestiya kay Trillanes, at agad na nagmosyon ang Department of Justice o DOJ sa korte na ipaaresto ang senador.
Bukod naman sa warrant of arrest ay nag-isyu ang sala ni Judge Elmo Alameda ng hold departure order o HDO, kaya hindi makakalabas ng bansa si Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.