Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Surigao Del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2018 - 10:46 AM

Nakapagtala ng magkakasunod na may kalakasang pagyanig sa bayan ng Burgos sa lalawigan ng Surigao Del Norte, Martes (Sept. 25).

Pinakamalakas ay ang magnitude 5.1 na naitala alas 10:16 ng umaga sa 55 kilometers north east ng Burgos.

May lalim na 5 kilometers ang nasabing pagyanig at tectonic ang origin.

Alas 7:34 ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 4.1 na lindol sa bayan pa rin ng Burgos na sinundan ng magnitude 3.7 alas 7:59 ng umaga.

Nakapagtala pa ng magnitude 2.3 at 2.5 na lindol sa bayan ng Burgos alas 8:23 ng umaga at alas 8:51 ng umaga.

TAGS: Burgos, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, surigao del norte, Burgos, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.