Panukalang batas na magbabawal sa labor-only contracting sinertipakahang urgent ni Pang. Duterte
Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal na ang “endo” o pagpapatupad ng labor-only contracting sa mga kumpanya sa bansa.
Sa dokumento na nilagdaan ng pangulo, sinabi nito kay Senate President Tito Sotto na sinesertipakahan niyang urgent ang Senate Bill Number 1826.
Ito ay kilala rin bilang “An act strengthening workers right to security of tenure”.
Ayon sa pangulo ito ay upang mas mapatatag pa ang security of tenure ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbabawal ng pagpapatupad ng contractualization at labor-only contracting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.