Kaanak ng Barangay Chairman, kabilang sa naarestong mga drug suspek sa QC
Arestado ang 13 katao, kabilang ang isang kaanak ng Barangay Chairman, dalawang suspek sa robbery-holdup, at isang menor de edad, sa ikinasang operation ng mga otoridad sa Barangay Immaculate Concepcion, sa Cubao, Quezon City.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Kim Jhon Bertulfo, Paolo Canaceli, Joseph Resco alyas Babac, Jasper Delgado alyas Aping, Christian Bertulfo alyas Gaw, Victor Randy Brofas, Maricris Into, Norman Alexis Garcia alyas JY, George Cruz Araneta alyas Yaw, Jose Noriel Catalan, Reichel Alvis alyas Booba, Lowell Rafols alyas Noweng, at isang 16 na taong gulang na dalaga.
Sa kabuuan, narekober mula sa mga suspek ang isang medium-sized sachet ng shabiu, 26 maliliit na sachet ng shabu, dalawang bukas na pakete ng shabu, dalawang digital weighing scale, isang kalibre 38 revolver nna kargado ng mga bala, at mga drug paraphernalia.
Ayon sa Quezon City Police district (QCPD) Station 7 sa Cubao, pangunahing target ng operasyon sina Bertulfo at Brofas na kabilang sa mga naaresto, matapos makatanggap ng impormasyon sa nagaganap na drug session sa isang paupahang bahay sa lugar.
Sinabi naman ng chairman ng Barangay Immaculate Concepcion na si Ramon Salas, ilang beses na nilang pinagsasabihan ang mga susupek ngunit hindi tumitigil ang mga ito sa kanilang operasyon.
Napapansin pa aniya niya na kadalasang mga dayo ang nagtutungo sa naturang paupahang bahay.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.