Supply ng bigas, sapat pa rin ayon sa DA
Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na sapat pa rin ang supply ng bigas sa bansa.
Ito ay kahit na umabot na sa P26.7 bilyon ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura sa buong bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Paliwanag ni Piñol, mayroon naman kasing mga paparating na supply ng bigas sa bansa kaya kahit na malaki ang pinsala sa agrikultura ay hindi magkakaroon ng kakulangan dito.
Aniya, naaprubahan na ng National Food Authority (NFA) Council ang 500 metric tons ng rice imporation, bukod pa sa naunang naaprubahang 250 metric tons ng bigas na iaangkat rin.
Inaasahang darating sa bansa ang naturang mga bigas bago matapos ang taon.
Samantala, para naman sa 2019, mayroong iaangkat na bigas na aabot sa 1 milyong metriko tonelada. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.