Miyembro ng gun for hire group, patay sa engkwentro sa Batangas
Dead on the spot ang isang lalaking miyembro ng isang grupo ng gun for hire matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Bagilawa, Bauan, Batangas.
Kinilala ang nasawing suspek na si Jonny Reodique na miyembro ng Bonnet Gang.
Ayon sa mga otoridad, mayroong pending warrant of arrest si Reodique dahil sa mga kasong murder at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Bilang miyembro ng gun for hire group, nag-ooperate ang suspek sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Laguna at Polilio Island, maging sa Real at Infanta, Quezon.
Gabi ng Lunes nang isagawa ang paghahain ng warrant of arrest laban kay Reodique. Ngunit imbes na sumuko sa pulisya ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad na silang gumanti ng putok na nauwi sa engkwentro.
Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng suspek.
Narekober mula dito ang isang kalibre 38 revolver na kargado ng mga bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.