Duterte, binisita ang mga sugatang Scout Rangers sa Sulu
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang Scout Rangers makaraan ang sumiklab na bakbakan kontra sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.
Nasugatan ang 17 Scout Rangers ng Class 205-18 sa engkwentro sa bahagi ng Barangay Bakong noong September 14, 2018.
Ayon kay Western Mindanao Command (Westmincom) public affairs officer Col. Gerry Besana, dumating si Duterte sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital bandang 5:00, Lunes ng hapon.
Pumunta aniya si Duterte sa lugar para personal na bigyan ng pagkilala ang mga sundalo.
Naging eksklusibo naman ang naging pagbisita ng pangulo sa militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.