20 plastic bags ng shabu, nasabat sa Maynila
Mahigit na 20 plastic bags ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Lungsod ng Maynila, araw ng Lunes.
Ang hinihinalang droga ay nakalagay sa isang maleta na nasa loob ng Honda Civic ng isang Chinese national sa service road ng Roxas Boulevard sa tapat ng Diamond Hotel.
Ang suspek na si Lin Wa Sen ay napag-alamang isang Chinese national base sa nakuha ditong driver’s license.
Isa pang bag ang nakuha sa suspek pero ito ay naglalaman ng mga dokumento at mga damit.
Ang suspek ay hinihinalang sangkot sa multi-milyong pisong bentahan ng droga.
Ang mga hinihinalang shabu ay nakatakdang dalhin sa headquarters ng PDEA sa Quezon City para timbangin at alamin ang aktuwal na street value.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.