Reconstruction sa tulay ng Makati at Mandaluyong, sisimulan na

By Ricky Brozas September 24, 2018 - 01:56 PM

Sisimulan na ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Estrella-Pantaleon bridge, araw ng Lunes (September 24, 2018).

Ang nasabing tulay ang nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong City.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, isa ang Estrella-Pantaleon Bridge sa dalawang tulay na popondohan sa ilalim ng aid grant mula sa People’s Republic of China na isasakatuparan sa bisa ng bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Villar na target nilang matapos ang konstruksyon ng tulay na may habang 504.46 meters sa taong 2020.

Aabot umano sa P1.3 milyon na mga sasakyan ang dumadaan sa nasabing tulay araw-araw at ito ay mas mataas nang triple kaysa sa kapasidad nito.

TAGS: DPWH, Estrella-Pantaleon Bridge, DPWH, Estrella-Pantaleon Bridge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.