Deployment ng tren ng MRT naantala; pila sa mga istasyon humaba

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2018 - 07:48 AM

Nagkaroon ng delay sa pagpapabiyahe ng mga tren ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa abiso ng MRT-3, sinabi nitong nagkaroon ng delay sa deployment ng kanilang mga tren dahil kinailangan ng magsagawa ng dagdag na pre-insertion checks.

Alas 6:00 ng umaga sinabi ng MRT-3 na 10 tren lang ang operational at bumibiyahe.

Pagsapit ng alas 7:12 ng umaga ay naitaas sa 12 ang bilang ng mga tren na operational.

Galit naman ang mga pasahero at nag-post ng hinaing sa Twitter account ng MRT-3.

Ang isang netizen sinabing inabot ng 50 minuto bago siya nakasakay sa Quezon Avenue Station.

Sa post naman ng isang Arlyn Abello, makikitang napakahaba na ng pila ng mga pasahero sa North Avenue Station.

Tiniyak naman ng MRT na magpapatuloy ang deployment ng kanilang mga tren.

Humingi din ng paumanhin ang MRT sa mga naapektuhang pasahero.

TAGS: dotr, MRT, mrt3, train insertion, dotr, MRT, mrt3, train insertion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.