19,000 food packs, inihanda sa posibleng epekto ng Bagyong Paeng sa Cordillera

By Rhommel Balasbas September 24, 2018 - 03:04 AM

Bukod sa preemptive at forced evacuation na ipinatupad sa ilang bahagi ng Itogon, Benguet ay may inihanda na ring food packs ang gobyerno.

Ang mga food packs ay inihanda sakaling makaapekto ang Bagyong Paeng sa Cordillera.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Janet Armas, mayroong 19,000 food packs ang nasa warehouse ngayon ng DSWD-Cordillera.

Anya, ang suplay na ito ng pagkain ay bukod pa sa ipinamamahagi ng gobyerno para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ompong.

Sinabi pa ni Armas na sumang-ayon ang mga alkalde na sila ang kukuha ng supplies para sa kanilang bayan.

Habang sa mga liblib na lugar naman, ang suplay ay ihahatid ng Philippine Air Force (PAF).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.