P5.4M shabu nasabat sa mag-live in partner sa NAIA

By Justinne Punsalang September 24, 2018 - 02:41 AM

Arestado ang mag-live in partner sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mahulihan ng shabu.

Nakilala ang mga suspek na sina Julie Ann Lozada at Cyril Garcia Cabigan na kapwa mula sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay NAIA – Bureau of Customs (BOC) district collector Mimel Talusan, nanggaling ang 800 gramo ng shabu sa Democratic Republic of Congo sa Africa noong Biyernes, September 21.

Batay sa package declaration, art table ang laman ng package. Ngunit nang siyasatin ay napag-alamang shabu pala ito na nagkakahalaga ng P5.44 milyon.

Nakasaad din sa package declaration na sa isang Joy Bido Mariel naka-address ang kargamento ngunit nabatid na ito ang alyas na gamit ni Lozada sa kanyang mga transaksyon.

Nanggaling naman ang ipinagbabawal na gamot mula sa isang Asumani Lofeta.

Dahil dito ay mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.