Sa ikatlong pagkakataon ngayong linggong ito, muling nagbuga ng abo ang bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, dakong alas 2:55 Byernes ng hapon, naganap ang steam-driven explosion na tumagal ng pitong minuto.
Umabot ng 1.5 kilometro ang taas ng ash plume patungo sa direksyong kanluran, timog-kanluran.
Samantala, ayon naman kay Office of Civil Defense Region 5 Director Bernardo Rafael Alejandro sa panayam ng Radyo Inquirer, agad silang magsasagawa ng Aerial Inspection kasama ang mga tauhan ng Phivolcs at Air Force sa paligid ng Bulkang Bulusan sa lalong madaling panahon upang matukoy ang lawak ng panibagong ‘phreatic eruption’.
Mula pa noong Hunyo 16, kanselado na ang klase ng mga estudyante sa Barangay Aniog, Bacolod, Baruburan, Puting Sapa at Katanusan sa bayan ng Juban, Sorsogon dahil sa magkakasunod na pagbuga ng abo at bato ng bulkan. / Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.