Jake Zyrus, binasag na ang katahimikan tungkol sa may sakit niyang lola

By Rhommel Balasbas September 22, 2018 - 05:05 AM

Nagsalita na si Jake Zyrus tungkol sa panawagan ng kanyang ina na si Raquel Pempengco na bisitahin niya ang kanyang lola na si Tess Relucio na kasalukuyan ngayong ginagamot sa ospital.

Sa panayam ng PEP kay Jake, sinabi nito na hangga’t maaari ay ayaw niya sanang magkomento pa kung ang isyu ay tungkol sa kanyang pamilya.

Anya pa, kung tutulong man siya sa kanyang lola ay kailanman ay hindi niya ito ipapaalam sa media at sa publiko.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na kailangan ng kanyang lola ng pinansyal na tulong.

Ayon sa singer, walang makakaalam kung tutulong man siya dahil kahit tumulong man siya o hindi ay masama ang tingin sa kanya.

Hindi na nagkomento si Jake kung dadalawin niya ang kanyang lola na ipinanawagan ng kanyang ina.

Ang mga pahayag na ito ng singer ay matapos ang launching ng kanyang libro kahapon, Sept. 21, na pinamagatang ‘I Am Jake’.

Dito anya nakalahad ang lahat ng katotohanan sa kanya at umaasa siyang makakatulong ito sa mga taong may pinagdadaanan sa buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.