LPA sa labas ng bansa isa nang bagyo; posibleng lumakas at maging typhoon sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo, Len Montaño September 21, 2018 - 03:10 PM

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang tropical depression ay huling namataan sa 2,160 kilometers East ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong north northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Sa Linggo ng hapon inaasahang papasok ng bansa ang bagyo bilang isang tropical storm at papangalanan itong “Paeng”.

At habang nasa loob ng bansa ay lalakas pa ito at magiging isang typhoon kung saan makakaaapekto na ito sa bahagi ng extreme Northern Luzon.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga ilalabas nilang abiso tungkol sa nasabing bagyo.

TAGS: low pressure area, Paeng, Pagasa, Tropical Depression, weather, low pressure area, Paeng, Pagasa, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.