Human Rights Victims’ Memorial library at museum, itatayo
Sa araw ng paggunita sa ika-46 anibersaryo ng Martial Law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Isang kasunduan ang pinirmahan ng mga opisyal ng University of the Philippines o UP at Human Rights Violations Victims Memorial Commission para sa pagtatayo ng isang library at museo.
Ito’y bilang pag-alala sa mga biktima ng Human Rights Violations noong diktaturyang Marcos.
Kasama sa mga lumagda sa memorandum of understanding sina Senador Koko Pimentel at UP President Danilo Concepcion, sa Palma Hall ng unibersidad.
Ang UP Diliman ang napiling lugar para itayo ang museo/library na “memorial for victims of human rights violations.”
Habang wala pa nito, makikita na muna AS Lobby ang isang art installation bilang pag-alala sa mga desaparecidos noong Batas Militar.
Kasabay nito, ang mga estudyante ng UP ay nagsagawa ng protesta sa harap ng Palma Hall.
Pawang mga nakaitim, ang kanilang sigaw ay Never Again to Martial Law, Duterte Resign.
Anila, hindi kailanman makalilimot ang buong komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas sa lahat ng karahasan noong Batas Militar.
Kinondena rin ng mga estudyante ang animo’y pag-idolo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Marcos.
Dumalo rito si dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo, na iginiit na hindi na dapat maulit ang diktaturya.
Sa ibang parte ng UP, kapansin-pansin ang naglalakihang itim na banners, kung saan nakasaad… “Hindi Mapayapa sa Panahon ng Batas Militar,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.