Mga mag-aaral at staff ng UP pinayagang sumali sa Martial Law commemoration activities ngayong araw
Excused sa klase at trabaho ang estudyante at staff sa mga campus ng University of the Philippines (UP) na sasali sa mga aktibidad kasabay ng anibersaryo ng martial law araw ng Biyernes.
Sa memorandum, hinimok ni UP president Danilo Concepcion ang lahat ng administrators, faculty, estudyante at staff na sumali sa makabuluhan at payapang mga aktibidad ukol sa martial law anniversary.
Idineklara ng unibersidad ang September 21 bilang UP Day of Remembrance para ipagdiwang at pagyamanin ang alaala ng mga lumaban sa batas militar.
Ayon kay Concepcion, hindi suspendido ang klase at trabaho sa UP pero excuse ang sasama sa mga aktibidad.
September 21, 1972 nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinan Marcos ang Proclamation 1081 na naglagay sa Pilipinas sa ilalim ng martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.