Bilang ng mga pamilyang nabiktima ng common crimes bumaba — SWS

By Len Montaño September 21, 2018 - 04:31 AM

Bumaba ang bilang ng mga pamilya na nagsabing nabiktima sila ng krimen sa nakalipas na 6 na buwan.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula June 27 hanggang 30, nasa 5.3% o 1.2 milyong pamilya ang nagsabi na nabiktima sila ng common crimes gaya ng pickpocket o robbery, break-in o panloloob, carnapping at physical violence sa nakalipas na mga buwan.

Ito ay 1.3 percentage points na mababa sa 6.6% o 1.5 milyong pamilya na naitala noong March.

Ayon sa SWS, ito ang pinakamababa mula sa record-low na 3.7% noong June 2017.

Pero sinabi ng SWS na ang nareport sa kanila na pagiging biktima ng common crimes ay mas mataas sa bilang ng krimen na aktuwal na nareport sa pulisya.

Noong Hulyo, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa nakalipas na 2 taon, patunay umano na tama ang istratehiya ng administrasyong Duterte laban sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.