Massive protest para patalsikin si Pang. Duterte, pangungunahan ng CPP NPA bukas – PNP
Sa bisperas ng anibersaryo ng martial law declaration, magbabala muli ang Philippine National Police o PNP laban sa anila’y malawakang protesta para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Chief Supt. Benigno Durana, tagapagsalita ng PNP, na ang CPP-NPA ang nagpa-plano raw ng Duterte ouster.
Ayon kay Durana, isasabay ito sa September 21 o paggunita sa martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ani Durana, gagamitin umano ng CPP-NPA ang kanilang mga kakampi o kaalyado sa Metro Manila para maisakatuparan ang balakin.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Durana ang mga estudyante na huwag nang sumali sa rally, dahil baka raw maghasik ng kaguluhan ang mga rebelde.
Tiniyak naman ni Durana na mayroong mahigit apat na libong pulis na ipapakalat ang PNP para siguraduhin ang kapayapaan sa isasagawag kilos protesta bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.