Paglahok ng grupo ng mga kabataan sa mga pagkilos sa paggunita ng Martial law, kasado na

By Ricky Brozas September 20, 2018 - 12:29 PM

Pinaplantsa na ng grupong Anakbayan ang kanilang pagkilos bukas para sa paggunita ng ika-46 na anibersaryo ng Martial law.

Ipinasilip ng grupo sa media ang kanilang paghahanda para sa magiging programa bukas.

Abala na ang mga miyembro ng Anakbayan sa pagpipintura sa gagamiting nilang effigy na hango sa greek mytholody na si Cerberus o ang asong may tatlong ulo na tagapagbantay ng tarangkahan ng underworld.

Sa nasabing effigy, ipapakita ng grupo ang mga ulo nina Pangulong Duterte, Speaker Gloria Arroyo at ng mga Marcos na pawang may mga pangil at nanlilisik na mga mata na mistulang diablo.

Ayon kay Anakbayan Spokesman Vince Simon, simbulo ito ng pagsasanib pwersa ng tatlong pinaka-makapangyarihan sa gobyerno.

Umaga pa lang bukas, magkakaroon na ng mobilisasyon ang ibat-ibang grupo sa ibat-ibang panig ng Metro Manila at pupuwesto ang Anakbayan sa Morayta bago mag-Martsa patungong Luneta para lumahok sa mas malaking pagtitipon na pangungunahan ng United People’s Action ganap na alas-kwatro ng hapon sa Rizal park malapit sa monumento ni Gat Jose Rizal.

Ang iba ay magsisimulang mag-martsa sa España sa may UST, Mendiola, Plaza Salamanca sa Taft Avenue, Unted Methodist Church sa Taft Avenue, San agustin Church sa Intramuros at National Library.

Ayon sa grupo ang kanilang pagkilos ay bilang paggunita sa batas-militar sa ilalim ng rehimeng Marcosn at para labanan ang anila’y nagbabantang pagbuhay nanaman ng martial law sa bansa.

TAGS: Martial Law, Protest Rally, september 21, Martial Law, Protest Rally, september 21

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.