Asec. Mocha at Drew Olivar, inireklamo na sa Ombudsman

By Isa Avendaño-Umali September 20, 2018 - 10:55 AM

Kuha ni Isa Umali

Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang kontrobersyal na duo na sina PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Andrew Olivar, dahil sa sign language video ng mga ito na inalmahan lalo na ng sektor ng person with disabilities o PWDs.

Pinangunahan ng Philippine Federation of the Deaf o PFD ang pagsasampa sa Office of the Ombudsman ng reklamong paglabag sa RA 9442 o amended Magna Carta for Disabled Persons, RA 6713 o Code of Conduct & Ethical Standards for Public Officials and Employees, at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Maliban dito, sina Uson at Olivar ay inireklamo rin dahil sa paglabag Civil Code of the Philippines at UN Convention on the Rights of PWDs.

Ayon kay Carolyn Dagani, presidente ng PFD, “traumatizing” para sa kanilang mga PWD ang ginawang pagkutya nina Uson at Olivar.

Kanyang personal na hamon kay Uson, magbitiw na sa pwesto o kung hindi ay mismong si Presidente Rodrigo Duterte na ang magpatalsik kay Mocha sa pwesto.

Sinabi naman ni Lauro Pursill, kinatawan ng blind sector, walang ethics at walang paggalang si Uson sa mga taong may kapansanan.

Aniya pa, nilalagay ni Uson sa kahihiyan ang gobyerno kaya sana ay gumawa raw ng paraan si Pangulong Duterte na maturuan ang mga tauhan niya na igalang ang mga Pilipino, may kapansanan man o wala.

Hindi rin tinanggap ni Mang Lauro ang sorry nina Uson at Olivar, at sa halip ay iginiit na maparusanan ang dalawa.

Kinumpirma naman ni Liza Martinez, isa sa mga complainant, na kasama sa kanilang reklamo laban kina Uson at Olivar ang kontrobersyal ding “Pepedederalismo” video na umani rin ang puna mula sa publiko dahil sa umano’y kabastusan nito.

TAGS: Drew Olivar, mocha uson, Office of the Ombudsman, Philippine Federation of the Deaf, Drew Olivar, mocha uson, Office of the Ombudsman, Philippine Federation of the Deaf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.