Lebron James, bibida sa sequel ng pelikulang Space Jam
Kumpirmadong pagbibidahan ni Lebron James ang sequel ng 1996 live action-animated film na Space Jam.
Ang unang Space Jam ay pinagbidahan ni NBA legend Michael Jordan at kasama niya sina Larry Bird, Charles Barkley at Patrick Ewing.
Sa tweet ng SpringHill Entertainment, ang production company ni James, nagpakita ito ng larawan na nagpapatikim hinggil sa gagawing pelikula.
Sa nasabing larawan makikita ang magkakatabing locker na mayroong nakasulat na Bugs Bunny – bilang point guard, Lebron James – bilang Small forward, T. Nance bilang direktor at R. Coogler bilang producer.
Sa Space Jam 1, kasama ni Jordan ang mga Looney Tunes character na sina Bugs Bunny, Daffy Duck at iba pa.
Base sa storya, ni-recruit nila si Jordan para tumulong na maipanalo nila ang basketball game laban sa “Monstars”, na team ng animated alien villains.
Ito ang uang pagkakataon na bibida sa pelikula si James bagaman gumanap na siya noon sa “Trainwreck” (2015) at nag-boses din sa Warner Brothers’ animated feature na “Smallfoot,”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.