LOOK: Landslide naganap sa Naga City sa Cebu; 4 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2018 - 10:00 AM

Photo courtesy of Krizhia Cabigas

(UPDATE) Apat na ang patay sa landslide na naganap sa Barangay Tinaan sa Naga City sa Cebu, Huwebes (Sept. 20) ng umaga.

Sa ulat ng Cebu Daily News, naganap ang pagguho ng lupa dakong alas 6:00 ng umaga.

Nakilala na ang ilan sa mga nasawi na sina Beatriz Hope Echavez, 4; Olivia Maratas, 63; Ariel Lobiano, 52 at Romeo Javanilla, 50.

Ayon kay Chief Insp. Roderick Ylan Gonzales ng Naga Police Station, ang gumuho ay ang bahagi ng bundok sa Sitio Sindulan dahil sa nararanasang pag-ulan.

Ani Gonzales, 24 na mga bahay ang nawasak sa landslide.

Patuloy pa ang search and rescue operation para sa mga residente na pinaniniwalaang na-trap sa natabunan nilang bahay. Ayon sa mga otoridad, may mga nakapagpadala pa ng mensahe na humihingi ng tulong at may naririnig pang sigaw ang mga rescue team.

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau sa Region 7, matatagpuan sa pinangyarihan ng landslide ang isang cement company na kamakailan lang ay ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Naga City.

Sa naging inspeksyon ng MGB-7 noon, may nakitang mga crack sa lugar.

TAGS: landslide, naga city, Radyo Inquirer, landslide, naga city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.