18 farm-to-market roads sa Central Iloilo nakumpleto na
Naniniwala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na malaking tulong ang pinagsamang programa ng kagawaran at ng Department of Agriculture upang makumpleto at mapaganda ang kabuuang 18 Farm-to-Market Roads sa 3rd at 4th Legislative District sa probinsiya ng Iloilo.
Ayon kay DPWH Iloilo Second District Engineer Sanny Boy O. Oropel sa pamamagitan ng pinagsamang programa ng DPWH-DA na 18 local roads na nagkakahalaga ng P118.4 million ay mapapadali na ang transportasyon sa central part ng Iloilo, lalung-lalo na sa munisipalidad ng Calinog, Pototan, Janiuay, Dueñas, Bingawan, Mina, Cabatuan, Maasin, Anilao, San Enrique, Banate, at Dumangas.
Paliwanag ni Engineer Oropel, ang bagong kongkretong kalsada na may haba na 13.1 kilometers ay malaking tulong upang lalong mapapabilis ang paghahatid ng mga Agricultural products na ang makikinabang naman sa naturang proyekto ay mga magsasaka.
Makikinabang din anya sa nakumpletong Farm to Market Roads, ang mga local na barangay para mapaganda at mapabilis ang kanilang access sa mga hospitals, paaralan at posibleng maraming mga kumpanya ang magtatayo upang magkaroon ng maraming oportunidad na trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.