21 patay sa homemade liquor sa Malaysia
Patay ang 21 katao at maraming iba pa ang dinala sa ospital sa hinalang kaso ng alcohol poisoning sa Malaysia.
Popular ang murang homemade liquor sa nasabing bansa dahil sa taas ng buwis doon sa alcohol.
Sinabi ni Health Minister Dzulkefly Ahmad na posibleng madagdagan pa ang mga ginagamot sa ospital dahil tuluy-tuloy pa ang pagdating ng mga pasyente.
Maliban sa mga Malaysians ay may mga naapektuhan ding dayuhan na mula sa Bangladesh, Indonesia, Myanmar at Nepal.
Isinailalim na rin sa pagsusuri ang ilang uri ng alcoholic drinks na ginamit ng mga bitkima para malaman kung nilagyan nga ito ng methanol.
Nagsagawa na rin ng operasyon ang mga pulis, kung saan pito ang naaresto sa 12 magkakaibang lugar.
Nasabat sa operasyon ang aabot sa 3,000 bote at lata ng whisky at beer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.