Ejercito, nag-aalala sa awayan sa Kamara ukol sa budget
Nangangamba si Senador JV Ejercito na kapag hindi agad naresolba ang bangayan ng mga miyembro ng Kamara, maapektuhan ang pagpasa sa P3.737 trillion 2019 national budget.
Sinabi nito na kapag hindi nagkasundo ang mga kongresista, hindi uusad sa bicameral ang deliberasyon sa pambansang budget sa susunod na taon.
Kaya’t nananawagan si Ejercito sa mga kapwa-mambabatas na ayusin ang hindi pagkakasundo na nag-ugat sa diumano’y pork barrel projects ng piling kongresista.
Dagdag ng senador, hindi mangyayari sa Senado ang nagaganap sa Kamara dahil silang mga senador ay walang hilig sa pork barrel.
Nadiskubre ng kampo ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang naisingit na P55 bilyong halaga ng mga proyekto ng mga kaalyado ng nakudetang si Rep. Pantaleon Alvarez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.