Sotto, ipinagtanggol ang sarili sa pagsusuot ng damit ng Arabo sa Halloween ng EB

November 01, 2015 - 04:52 PM

 

joey titoDumipensa si Senador Tito Sotto III na ngayon ay nahaharap sa kontrobersiya dahil sa kanyang pagsusuot ng damit ng Arabo sa Halloween Special ng Eat Bulaga kahapon.

Paliwanag ni Sotto, sa loob ng maraming taon ay nagsusuot siya ng Arab costume sa tuwing Haloween special ng Eat Bulaga.

Sa katunayan, sinabi ni Sotto na ang kanyang Arab costume ay bigay ng isang Sheikh mula sa Riyadh at hiniling sa kanya sa isuot ito.

Buwelta ni Sotto sa mga kritiko, maraming tao ang nagko-costume ng mala-pari, madre o kahit mismong Santo Papa.

Pero kung nirerespeto ang isinusuot, iginiit ni Sotto na walang masama rito.

Pinayuhan naman ni Sotto ang mga nagrereklamo sa kaniyang pagsusuot ng Arab costume sa Eat Bulaga na lawakan ang research hinggil Halloween para wala raw silang ‘misplaced sensitivities.’

Nauna nang umalma si ARMM Governor Mujiv Hataman sa Arab costume ni Sotto, maging ng isa pang Eat Bulaga host na si Joey De Leon, at sinabing ‘act of ignorance at insensitivity’ ang ginawa ng dalawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.